Ang mabilis na pag-unlad ng mundo ngayon sa kasalukuyan ay humahantong sa mabilis na paglikha ng online na laro ng mga debeloper.  Ang wikang Filipino ay patuloy na lumalago dahil sa patuloy na pag-unlad ng paggamit nito sa internet, ngunit ang pagkakakilanlan nito ay dapat protektahan at ibahagi sa lahat ng mga tao.

Mabuhay! Kami ang  pangkat lima mula sa pangkat Boyle ng  ika-11 baitang at ang aming Filimbensyon ay naglalaman ng mga katanungan na hahamunin ang mga kaalaman at kadalubhasaan ng mga mag-aaral tungkol sa ating wika, kultura, at kasaysayan.

Mga Panuto:

  • Hanapin ang susi palabas sa bawat yugto sa pamamagitan ng  pagsasagot ng mga simpleng palaisipan.
  • Ang bawat yugto ay naglalaman ng tatlong katanungan at mga papel na naglalaman ng pahiwatig ukol sa lokasyon ng susi.
    • Unang Yugto:   Ang yugtong ito ay naglalayong sukatin ang kaalaman ng mga manlalaro hinggil sa kasaysayan at kahalagahan ng wika, lalo na ang implikasyon nito sa sari-saring dayalekto ng ating bansa na nahasa noong panahong iyon.
    • Ikalawang Yugto: Dito, mas mapapalalim ang kanilang kaalaman ukol sa mga salita na nakapaloob sa ating wika at kahulugan nito na magbibigay daan sa atin para sa mas makabuluhang usapin ukol sa wika, at kultura sa pagitan ng kabataan gamit ang sariling wika.
    • Ikatlong Yugto:   Dito, isasagawa ang isang palaisipan sa mga panitikan ng ating bansa. Nakapaloob dito ang mga panitikan mula sa iba’t ibang rehiyon dito sa Pilipinas upang mas makilala ng mga manlalaro ang magkakaibang kultura sa ating bansa.
    • Ikaapat na Yugto:  Ito ay   maglalaman ng laro ukol sa pagsasalin ng mga katagang mula sa mga katutubong wika. Dito, sisibol ang kamulatan ng mga manlalaro ukol sa kaugnayan ng mga   diyalekto sa ating bansa, na magbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa sa pamamagitan ng pagsasaliksik ng iba't ibang kultura.
Kontrols:

Game Engine:  GB Studio
Papuri sa mga may-ari ng musikang ginamit:

Download

Download
Pamana ni Rizal (Tagumpay sa Wika at Kultura).gb 256 kB

Leave a comment

Log in with itch.io to leave a comment.